Misis ni Sec. Villar tuloy ang laban sa Lupus

 (Pang-Masa) |

Nakaka-touch ang anak ni former Senator Manny Villar na si DPWH (Department of Public Works and Highways) Secretary Mark Villar dahil binigyan niya ng surprise birthday celebration ang asawang si Diwa Party List Representative Emmeline Aglipay-Villar kahapon sa Annabelle’s Restaurant kasabay ng pagdiriwang ng World Lupus Day.

Si Cong. Emmeline ang founder ng Hope for Lupus Foundation, Inc. na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga taong may Lupus na katulad niya at magbigay ng awareness sa mga tao tungkol sa sakit na ito.

Ayon kay Sec. Villar, noong Sunday pa raw malungkot ang misis niya dahil hindi natuloy ang mga charitable projects na naka-schedule kaya nag-isip siya ng paraan para naman gumaan ang pakiramdam ng asawa.

“Nung nakita ko na malungkot na malungkot siya, pati ako nalungkot. Kaya immediately, right after that, nag-organize (ako). Kaya pasensiya na po at medyo last minute itong event na ito,” pahayag ni Sec. Villar.

Sa nasabing event ay inimbita rin ni Sec. Villar ang fellow Lupus Warriors ni Cong. Emmeline para naman sama-sama nilang gunitain ang World Lupus Day.

Ibinahagi rin ni Sec. Mark ang birthday wish niya para sa asawa.

“It’s always my wish and my prayer that ‘yung Lupus goes back into remission, sana maging normal ulit ‘yung lupus (patients). I’ve been always praying for that and I love you very much,” ang mensahe ni Sec. Villar sa asawa.

Not just for his wife, wish daw niya sa lahat ng narooong biktima ng lupus na gumaling na ang mga ito.

“And I will do my best to continue supporting this foundation,” sey pa niya.

Isa-isa ring binigyan ni Sec. Villar ng inspirational gifts ang mga Lupus warriors na naroroon so that they can continue to fight on and inspire other people.

Touched na touched naman si Cong. Emmeline sa ginawa ng asawa at hindi niya raw talaga alam na may sorpresa itong inihanda. Ang alam daw niya na pupuntahan niya ay meeting lang.

Na-diagnose ng Lupus si Rep. Emmeline noong 2007, at hanggang nga­yon ay patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa sakit na ito pati na rin ang kanyang Lupus warriors since wala pang gamot sa naturang karamdaman.