Misis ni Sec. Villar, tuloy ang laban sa Lupus

By Lolit Solis

Bawal na bawal pala sa mga may sakit na Lupus ang sobrang tindi na sikat ng araw dahil makaaapekto ito sa karamdaman nila.

Nalaman ko ang impormasyon mula kay Diwa Party-List House Representative Emmeline Aglipay-Villar na isinusulong ang paggamit ng payong ng mga lupus patient.
Malawak ang kaalaman ng loving wife ni DPWH Secretary Mark Villar tungkol sa lupus dahil ganito rin ang sakit niya na natuklasan noong 2007.

Rep. Em naiyaksa sorpresa ni Sec. Mark

Kahapon ang 35th birthday ni Em at nag-celebrate siya sa piling ng Lupus Warriors na tinutulungan ng foundation na itinatag niya, ang Hope for Lupus.

Eksakto sa kaarawan ni Em ang World Lupus Day kaya mala­king sorpresa sa kanya ang party na regalo ni Secretary Villar sa isang restaurant sa Quezon City.

Clueless na clueless si Em sa surprise birthday celebration dahil meeting ang pupuntahan nila ang sinabi sa kanya ni Papa Mark.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Walang-wala sa isip ni Em na nagtipun-tipon sa restaurant ang kanyang mga kaibigan, ang Lupus Warriors at si Emma Therese, ang one and only daughter nila ni Papa Mark.

Tiniyak ni Papa Mark na magiging unforgettable para sa misis niya ang surprise birthday party na maaga na nagsimula dahil bibiyahe pa sa ibang bansa ang DPWH Sec., kasama si President Rodrigo Duterte.

Anim na araw na mawawala sa Pilipinas si Papa Mark dahil isinama siya ni Papa Rody sa pagbisita nito sa Cambodia, Hong Kong, at China.

Invited guests sa paggunita ng World Lupus Day ang former sexy stars na sina Patricia Javier at Ynez Veneracion.

Si Papa Dioceldo Sy, ang businessman na may-ari ng Everbilena at Blackwater Elite basketball team ang nag-imbita kina Patricia at Ynez na parehong may sapat na knowledge tungkol sa Lupus. Nakita ko rin sa event ang nagtatangkaran na basketball players ng Blackwater Elite.

Si Em ang founder ng Hope for Lupus Foundation na pangunahing layunin na ma-educate ang mga Pilipino tungkol sa karamdaman na kumikitil ng maraming buhay kapag hindi naagapan.

“Many people with lupus die because they were diagnosed when it was too late to do something about it, and more people die undiagnosed. If they had known the symptoms of lupus and received the proper treatment early on, their lives could have been saved, “ ang sabi ni Em.