Miracle baby nina Sec. Villar at Rep. Em one year old na

Startalk ni Lolit Solis

Carbon copy ni DPWH Secretary Mark Villar

si Emma Therese, ang one and only daughter nila ng kanyang misis na si Diwa Party-List House Representative Emmeline Aglipay-Villar.

First time ko na nakita nang personal ang bagets na nagpapaligaya kina Em at Papa Mark.

Isang miracle baby si Emma Therese dahil may lupus disease ang nanay niya pero nagbuntis pa rin at nagsilang ng isang healthy baby girl.

Nagkita kami kahapon nina Papa Mark at Em sa World Lupus Day celebration na sinabayan ng surprise lunch para sa 35th birthday ni Em, ang founder ng Hope for Lupus Foundation.